‘3-POINT SHOT EVERYDAY’ TARGET NI PNP CHIEF CASCOLAN PARA SA MABUNGANG PANUNUNGKULAN

POPUKUS sa resulta at hindi sa haba ng panahon sa kaniyang pamumuno sa Philippine National Police si Gen. Camilo Pancratius Cascolan

Aniya, bagaman short stint in principle ang 2-month duty, tiniyak ni Cascolan na magiging mahaba at kapaki-pakinabang ang araw na kaniyang ilalagi sa opisina.

Sa katunayan, upang matupad ang kaniyang 9-point agenda, inilagay niya sa isip na kada araw ay end of contract siya kaya kailangang matapos ang job order.

Bilang kaniyang guidance, dapat kada araw ay mayroon siyang 3 puntos, at ito ay ang mga resulta sa kaniyang anti-terrorism and counter insurgency, giyera sa droga at manalo kontra COVID-19.

Kasabay ng target na 3-point shot everyday, nais din ni Cascolan na maging taglay ng 209,000 strong policemen ang “P-Koy” o Pulis ko’y Responsable, Respitado at Displinado.

Bukod pa rito ang pagtugon ni Cascolan sa marching orders ni Pangulong Rodrigo Duterte na panaigin ang konstituyon at paggalang sa rule of law, pagsugpo sa ilegal na droga at internal cleansing.

Kompiyansa si Cascolan na makaka-comply siya sa kanyang timeline habang mag-iiwan din pagtaas na morale sa pnp lalo na bukod sa serbisyo publiko ay kasama rin sa kanyang agenda ang kapakanan ng pulis at ng mismong organisasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap