2nd TRANCHE NG EMERGENCY SUBSIDY, TULOY KAHIT MAPASO NA ANG BAYANIHAN LAW’

Tiniyak ng Malakanyang sa publiko na tuloy ang pamamahagi ng ikalawang tranche ng emergency subsidy sa mga mahihirap na pamilya kahit na mapapaso na ang Bayanihan Law ngayong buwan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa darating na June 25 na mae-expire ang Bayanihan to Heal as One Act.

Pero di nito maaapektuhan ang ikalawang round ng pinansyal na ayuda na ipamimigay sa ilalim ng social amelioration program ng pamahalaan.

Mababatid na sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act, bawat benepisaryo ay makakatanggap ng cash aid na nagkakahalaga ng 5,000 hanggang 8,000 batay sa minimum wage rates sa mga rehiyon.

Sa ikalawang bugso nito, dinagdagan ng limang milyong benepisaryo ang listahan ng mga makakatanggap.

Sinabi naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na vine-verify na nila ang listahan ng karagdagang limang milyong benepisaryo. (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap