1st COVID-19 RT-PCR TESTING FACILITY NG PNP BINUKSAN NA

CAMP CRAME – MAPAKIKINABANGAN na ang COVID-19 Testing Center ng Philippine National Police (PNP).

Ito ay nang pasinayaan at basbasan ang kauna-unahang COVID-19 Reverse Transcription – Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) Testing Facility na nasa loob ng PNP Crime Laboratory Center sa Camp Crame.

Pinangunahan ni PNP Chief PGen. Archie Francisco Gamboa ang pagpapasinaya sa bagong pasilidad na tutulong para pigilan ang paglaganap ng COVID-19 sa kanilang hanay.

Naging posible na operational ang pasilidad nang matanggap ng PNP molecular lab ang sertipikasyon mula sa Research Institute for Tropical medicine (RITM) at license to operate mula sa Department of Health.

Kasabay nito, inilunsad din ng NCRPO ang kanilang Mobile swabbing truck na magsasagawa ng swabbing sa field, at dadalhin na lang ang mga samples sa molecular lab para sa testing.

Ayon Kay Gamboa, mas kombinyente ito para sa mga pulis na kailangang i-test dahil hindi na nila kailangang pumunta sa Camp Crame para sa swabbing.

Ayon Kay Gamboa, may kakayahan sila na mag-test ng aabot sa 150 indibidwal bawat araw, kung saan inisyal na magiging prioridad ang mga pulis at kanilang mga dependent.

Magugunitang unang hiniling ni PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support to COVID- 19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander PLt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan na i-assess ng RITM-DOH ang kanilang crime lab para magamit bilang RT-PCRT Testing facility.

Habang lumiham din si Cascolan sa DOH-RITM para sa pagsasnay ng 15 CL personnel para maging operator ng RT -PCR testing facility na kabilang sa requirement para makapasa ang pasilidad.

Makaraang maka-comply ang PNP ay naisyuhan sila ng certification at license to operate noong Mayo 22.

Samantala, sinabi ni Cascolan na pansamantala lang ang COVID-19 testing facility sa Crime Lab at ililipat ito sa permanenteng 85 metro kwadradong pasilidad para sa likod ng gusali ng PNP Health Service.EC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap