170 MICRO-ENTREPRENEURS INAYUDAHAN NI ATE CONGW. RIDA ROBES

BULACAN- ISANDAAN at pitumpung sari-sari store owners o micro-entrepreneurs ang aayudahan para buhayin ang kanilang pinagkakakitaan na naapektuhan ng Luzon-wide enhanced community quarantine (ECQ) sa San Jose del Monte City.

Ayon kay Bulacan Congw. Rida Robes, mala-sugod tindahan ang kanilang ginawa sa mga apektadong micro-entrepreneurs na naabutan nilang wala nang laman ang mga tindahan dahil sa ECQ at hindi na makabili para may maintinda.

Bawat tindahan aniya ay malalagyan ng laman na nagkakahalaga ng P3,000.

Aniya, ang buong 59 barangay ay kanilang sinuyod at tiniyak na qualified ang lahat ng mabibigyan ng tulong.

“Sorpresa ito at hindi nila alam ng mga micro entrepreneur na pupunta kami para iabot ang tulong sa ilalim ng programang Alagang Ate Rida Handog Patnubay,” ayon sa kongresista ng Bulacan.

Paliwanag pa ni Robes na ang kanyang pagtulong sa maliliit na negosyante ay hindi lang bahagi ng pagiging mambabatas kundi responsibilidad niya bilang tao at pagsunod sa Maykapal na magbigay ng tulong.

Kaya dahil isa siyang deboto ni Mama Mary, isinunod niya ang pangalan nito sa “Tindahan ni Maria.”

Ang pondong ginamit niya sa pagbibigay ayuda sa mga sari-sari store owner ay mula sa dalawang buwan niyang suweldo.

Aniya, dahil krisis ang bansa, kailangan ang tulungan sa nangangailangan at ngayong ECQ ang tamang panahon para iabot ang kaniyang kamay sa nangangailangan.EUNICE C.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap