16 PANG PINOY NA SAKAY NG JAPAN CRUISE SHIP, POSITIBO SA COVID-19

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na umakyat na sa 27 ang bilang ng mga filipino na sakay ng cruise ship Diamond Princess na naka-quarantine sa Japan ang nagpositibo sa coronavirus 2019.

“The Department of Foreign Affairs, through the Philippine Embassy in Tokyo, reports that as of 16 February 2020, the number of Filipinos on board who have tested positive for COVID-19 is at 27,” pahayag ng DFA.

Labing anim ang nadagdag sa bagong kaso ng covid-19 noong sabado sa nakaraang naiulat na 11.

Nag-anunsyo rin ang Japanese Health Ministry na muling isasailalim sa pagsusuri ang mga crew at pasahero ng barko sa pagtatapos ng quarantine period.

Tiniyak naman ng DFA ang pakikipag ugnayan ng Philippine Embassy sa Japan para maibigay ang lahat ng pangangailangan ng mga filipino crew at passengers gayundin ang pagsasaayos sa pagpapauwi sa mga ito sa Pilipinas. (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap