14 ORAS NA WATER INTERRUPTION, MARARANASAN SA ILANG LUGAR SA CALOOCAN, NAVOTAS AT MALABON NGAYONG ARAW

Nagpalabas ng abiso ang Maynilad na makararanas ng 14 na oras na water service interruption ang ilang costumer sa ilang barangay sa lungsod ng Caloocan, Navotas at Malabon.

Mararanasan ang water interruption, 4:00 mamayang hapon hanggang 6:00 ng umaga bukas ng Miyerkules.
Bunsod ito ng isasagawang leak repair ng water concessionaire sa kahabaan ng C3 Road malapit sa Dagat-Dagatan Avenue.

Kabilang sa mga apektadong lugar sa Caloocan City ang Barangay 12 at 14; sa Malabon City ay Barangay Longos habang sa Navotas City ay ang Brgy. Northbay Boulevard at Bangkulasi.

Pinayuhan naman ng Maynilad ang mga residente sa mga apektadong lugar na mag-ipon ng tubig na kanilang kakailanganin sa oras ng interruption. (Jane Manalastas)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap