13,000 OFWs, MAPAPAUWI NA MATAPOS ANG 14-DAY QUARANTINE

Mapapauwi na ang nasa 13,000 repatriated overseas Filipino workers (OFWs) na tapos na sa kanilang 14-day quarantine.

Ito ang tiniyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos sabihin ni National Task Force against COVID-19 chief
implementer Carlito Galvez, Jr. na mapupuno ang mga quarantine facilities sa bansa dahil may paparating pang 42,000 OFWs.

“May 13,000 OFWs po na natapos na po ang testing at mapapauwi na po. Malaking numero po iyan,” Roque

Ayon kay Roque, patuloy na bubulabugin ang mga ahensya para di magtagal ang proseso sa mga repatriated Pinoys.

Dagdag pa ng kalihim, posibleng umabot sa 80,000 ang mga paparating na OFWs kung isasama sa bilang ang mga manggagawang nagtatrabaho sa cruise ships.

“Kailangan po talaga mapabilis dahil limitado rin po ang ating mga hotel rooms [as quarantine facility],” saad pa ni Roque. (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap