12 EMPLEYADO SA SENADO, NAG-POSITIBO SA COVID 19

Labindalawang Senate employees ang nag positibo sa COVID 19 matapos ang isinagawang rapid tests sa may 500 empleyado nito.

Kinumpirma ito ni Senate President Vicente Sotto III.

Ayon kay Sotto, 2 dito ay staff member ng mga senador; isa ay waiter; isa naman ang sa page ng session hall at ang iba naman ay mula sa Office of the Sergeant –at-Arms.

Dinala na sa ospital ang 12 nagpositibo sa COVID 19 at isasailalim ang mga ito sa mandatory quarantine.

“Sent them already to hospitals with swab tests then quarantine,” Sotto said.

Nasa 500 empleyado ang sumailalim sa rapid testing ilang oras bago ang pagbabalik-sesyon ng Senado bandang 3:00 ng hapon, ngayong araw. (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap