Bonus at 13th month pay sigurado naman
WALA MUNANG CHRISTMAS PARTY SA PNP

CAMP CRAME-WALANG Christmas Party sa Philippine National Police (PNP).

Ito ang inamin ni PNP Chief, Gen. Camilo Pancratius Cascolan kasunod ng hiling ng Metro Manila Council sa iba’t ibang pribadong kompanya na ipagpaliban ang Christmas Party upang makaiwas sa COVID-19 transmission.

Sa panig naman ng PNP, sinabi ni Cascolan na sa halip na magkaroon ng party ay nagdesisyon sila na gamitin ang gagastusin para labanan ang pandemya dahil maryoon din silang mga tauhan na apektado ng coronavirus.

Sa katunayan, 647 pa ang aktibong kaso ng COVID-19 sa police force, 21 pulis na ang nasawi.

Aniya, paraan din nila ito para maiwasan ang transmission ng sakit habang tiniyak na makatatatanggap ng tamang insentibo ang kaniyang mga tauhan lalo na ang mga frontliner na naging tradisyong tuwing Pasko.

Tiniyak din ng PNP chief, matatanggap on time ang cash gifts gaya ng bonus and 13th month pay ang nasa 210,000 tauhan ng PNP.

Sinabi ng heneral na bahagi ito ng kanilang pagtaas sa morale ng police force na magreresulta naman sa kanilang good performance bilang public servant.

Magugunitang kamakailan ay nasabi ni Cascolan na kanilang pag-aaralan ang pagpapaliban sa Christmas Party at sa halip ay austerity measure ang kanilang gagawin.EUNICE CELARIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap