1.2M NA HALAGA NG MARIJUANA, NASAMSAM SA ISANG ESTUDYANTE SA QC.

Arestado ang isang estudyante matapos makuhanan ng marijuana na nagkakahalaga ng 1.2 million pesos sa Cubao, Quezon City, kanina.

Kinilala ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) regional director Joel Plaza ang suspek na si Karlo Jose Pio Ricafrente, 24, residente ng Santolan, Pasig City.

Ayon sa PDEA, ang nasamsam na marijuana ay tinaya sa higit kumulang 10 kilo.

Si Ricafrente ay sasampahan ng kasong paglabag sa Sections 4 and 11 of Art. 2 of Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (Jane Manalastas).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap